Awit 134

Ang Dating Biblia (1905) · 3 verses

134Narito, purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na lingkod ng Panginoon. Ninyong nagsisitayo sa kinagabihan sa bahay ng Panginoon.

2Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa dakong santuario, at purihin ninyo ang Panginoon.

3Pagpalain ka nawa ng Panginoon mula sa Sion; sa makatuwid baga'y niyaong gumawa ng langit at lupa.

Share this verse

Share this verse
Loading…
Format
Style